Magkakaroon ng pagtitipon ang UBUNTU-PH sa IRC ngayong gabi, alas-otso ng gabi. Mababasa ang buod ng pagtitipon sa https://lists.ubuntu.com/archives/ubuntu-ph/2006-July/000642.html.
Mangyayari ang "virtual" na pagtitipon sa #ubuntu-ph channel sa Freenode IRC.
Ang pag-uusapan ay ang mga sumusunod:
1. Pagbuo ng mga grupo sa Luzon, Visayas at Mindanao, at ang lahat ng mga ito ay magiging malaya sa kanilang mga gawain at alituntunin. Sa kadahilanang tayo ay kalat-kalat at hindi madalas magkita-kita ng personal, ang pagbuo ng maliliit na grupo sa ilalim ng UBUNTU-PH ay mainam at mas praktikal sa nakararami.
2. Ang pag hati-hati ng trabaho sa pag ayos at pagpapaganda ng UBUNTU-PH na website. Sa ngayon, sino man ang may account sa website ay maaring magsumite ng artikulo at mga balita tungkol sa mga aktibidad ng kanilang pangkat sa pagpapalaganap ng Ubuntu. Ang lahat ng mga nasumite na artikulo at balita ay "moderated" at nangangailangan ng tagapag pasiya kung ito ay nararapat na ilimbag sa website.
3. Pagsasa-ayos ng Planet Ubuntu Pilipinas.
4. Iba pang mga dapat pag-usapan ukol sa pagpapalaganap ng pangkat sa Pilipinas.